Tuesday, August 31, 2021

Anong mas madali ang pagiging tao o Pagiging makatao? (Filipino)

      Sa totoo para sa akin mas madaling gawin ang pagiging tao dahil mas alam mo gawin ang iyong mga gusto. Sa panahon ngayon usong-uso na ang pagpapakita sa iyong totoong sarili dahil mas natututo ng rumespeto ang mga tao at humusga sa kung ano ka talaga sa loob mo, hindi sa kalabasan mong anyo at ibang gawa. Ayon nga kay John Wood na, "Be more concerned with your character than your reputation, because your character is what you really are, while your reputation is merely what others think of you". 

      Sa totoo talaga ang reputasyon mo ay nagbabase din talaga sa personalidad mo. Pahalagahan mo ang karakter mo dahil ito lang ang nagpapakita sa totoong ikaw. Ayon pa nga sa isang quote na narinig ko, "Dont be afraid of loosing people, be afraid of loosing yourself by trying to please others". Dahil  magkakaiba ang ating pag-iisip at mga paniwala. Katulad ko noon, dahil sa pagsubok ko na pilitin ang ibang tao na maging kaibigan ko nagagalit sila sa akin at nilalayuan ako. Kaya't noong mga panahon na akoy nag-iisa natuto akong tingnan at baguhin ang aking sarili. Halagahan mo ang iyong sarili dahil tayo man lahat ay tao pero bawat isa sa atin ay espesyal. 

      Sa kabuoan, halagahan mo ang iyong sarili dahil bawat isa sa atin ay espesyal na ginawa ng Dios. Sabi nga ng Dios na mahalin mo ang iba katulad sa kung paano mo minamahal ang iyong sarili. Kaya mahalin, halagahan, at respetuhin mo ang iyong sarili dahil tayo lahat ay tao ngunit ikaw lang ang natatanging ikaw.



Salamat sa pagbabasa, hanggang sa susunod muli

~Kylee