Wednesday, December 8, 2021

Kotemporaryong Issue sa Pilipinas (Tagalog)


   Sinabibni Mahatma Ghandi na, " Man created man to work for his food and said that those who ate without work were thieves". Ang tao ay ginawa talaga ng Diyos upang magtrabaho. Ngunit isa sa kasalukuyang isyu na nararamdaman sa buong mundo ngayon ang Kontrakwalisasyon ay nagiging balakid upang mapanatili ng tao ang kaniyang kinatatayuan sa kasalukuyan. Ano nga ba ito at bakit nga ba ito nagiging isang malaking isyu sa ating bansa?


     Ang Kontrakwalisasyon ay isang kontemporaryong isyu sa kasalukuyan dahil sa negatibong epekto nito sa buhay ng tao. Ang mga tao na tinatawag na Contract Workers ay nagtatrabaho lang ayon sa ilang araw, buwan, o taon na nakasulat sa mga kontrata na kung saan sila ay testigo at sang ayon. Nagsisimula ang problema sa parte kung kailan matatapos na ang kanilang kontrata. Dahil limitado lang ang panahon na binigay sa kanila upang magtrabaho, marami sa kanila ay naghihirap maghanap ng iba o bagong trabaho. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino na nakakatapos ng kontrata nila ay hindi na tinatanggap muli kung sila man ay mag-aaply muli. Hindi matatag ang kanilang pinagkukuhanan ng pera dahil limitado lang ang panahon na ibinigay sa kanila upang kitain ito. Kailangan ng tao ang kumain araw-araw hindi lang sa maliit na panahon, kaya't mahirap magtrabaho bilang isang Contract Worker. Swerte ang mga taong nakapili ng mga trabaho na pangmatagalan dahil sa kanilang angking galing sa mga bagay-bagay na wala sa ibang tao.

      Sa kabuoan ang Kontrakwalisasyon ay isang kontemporaryong isyu na na-aapektohan ang marami. Dapat sana ay magtulungan tayo upang maligtas natin ang isa't-isa mula sa kahirapan. Dahil hinding-hindi kakayanin ng tao na mag isa sa buhay.


MAARI NIYONG IPAHAYAG ANG IYONG MGA OPINYON O MGA KAISIPAN SA COMMENTS.

Thursday, December 2, 2021

Photography

 Landscape Photography:


Flower or Plant Photography:


Picture of Young Banana Tree (Yellow sack at front) and Young Coconut Tree (Blue sack at the back).

Animal Photography:



Portraiture:



Fashion Photography:


Commercial Photography:


Product Photography:



Pics before shooting:










Wednesday, December 1, 2021

Journal Pagbabahagi (Tagalog)

Sa aming pagbabahagi sa aming apat may nalaman akong mga bagay na hindi dapat malaman ng ibang tao. Natutunan ko na ang bawat tao ay may pinagdadaanan na mabigat man para sa kanila, kaya't tinatago nila ang mga ito sa paraan ng sikreto.

Karamihan ng binahagi namin ay tungkol sa mga bagay-bagay na aming pinagsisisihan. Lalo na ang mga bagay na talagang makakapanakit sa aming kapwa. Halo-halo ang aming mga reaksyon nong nalaman namin ang bagay-bagay tungkol sa isa't-isa. May natutuwa at meron din ibang nakakarandam sa sakit ng iba. Kahit nakakahiya man ibahagi sa isa't-isa ang aming mga sekreto, masasabi ko naman na nirerespeto namin ang kanilang mga ginawa at mga dapat na ginawa.

Sa pagbabahagi namin na ito napansin ko na kaya siguro kami nagkaroon ng ganito upang makita na pinagsisisihan talaga namin ang mga pagkakamali na aming nagawa dati. Mas natutunan ko na ang tao ay marunong talagang magbago at matuto mula sa kaniyang mga pagkamali. Tayong lahat ay nagbabago upang mas mapabuti natin ang ating buhay sa kasalukuyan at sa hinaharap.