Tuesday, February 4, 2020

(Filipino)#PhilippineProblems

                                                   
     Para sa akin ang isa sa mga malalaking problema na hinaharap ng ating bansa ay ang inflation rate ng mga produkto dito sa Pilipinas. Marami ng mga consumers na nagrereklamo tungkol sa problemang ito. Dahil ayon sa kanila na ang lahat ng kita nila ay nawawala lamang at nauubos.

     Ang ibig sabihin ng inflation sa mga hindi nakaka-alam, ito ay ang pagtaas ng presyo ng mga iba't-ibang produkto sa isang bansa. Ayaw natin na mangyari ito ngunit, nangyayari na ito ngayon sa ating bansa. Kagaya nalang dati, makakabili ako ng PHP 90.00 bawat kilo ng Sibuyas samantalang ngayon umaabot na ng PHP 250.00 per kilo sa palengke dahil mababa ang supply ng sibuyas. Dahil sa pagmahal ng mga produkto sa Pilipinas, nahihirapan na ang mga tao na magpatuloy magtrabaho upang bilhin ang kanilang mga kailangan. Para hindi lumaki ang problemang ito pwede naman tayong magbigay ng mga solusyon. Tulad nalang ng pagtataas ng sweldo ng mga tao, pagkakaroon ng sapat at maraming produkto upang ibenta, pagpaparami ng mga establesimiento o mga pagawaan ng mga produkto, at iba pa.

     Sa huli ang Inflation ay isang seryosong problema na mahirap wakasan. Dapat ay maging wais tayo sa pagpili ng ating mga kailangan. Upang hindi lumaki o lumago ang ating problema.



Let us be great and be productive consumers

No comments:

Post a Comment