Tuesday, November 24, 2020

(Filipino) Tao na aking tinulungan #Pagtutulongsakapwa #✌️peace

 


     Kung makikita niyo man sa larawan na Ito ay isang dalagang babae. Siya ang isa sa mga tao na aking natulungan. Siya si Benj Alexie Gabrielle A. Antonio, Ang aking nakababatang kapatid. 

     Lagi ko siyang tinulungan sa kaniyang mga problema, tulad nalang ng kanyang mga takdang aralin, na kung saan ipinapaliwanag ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin at kung ano dapat ang gagawin. Ako din ang tumutulong sa kanya basta magsho-shooting man siya ng bidyo. Nangako ako sa aking magulang na dapat lagi kaming nagtutulungan buong pamilya. Dahil kakatung-tong lamang niya sa high school at nakikita ko na nahihirapan siya dahil na rin sa panahon ngayon ng pandemya, dapat ay kailangan talaga niya ng alalay. Naalala ko din noon nong napilay Ang kanyang paa dahil nadaganan ito ng malaking bisikleta na sinusubukan niyang sakyan. Tinulungan ko siya sa pag galing niya sa gamit ng pagdadala ng tubig at pagkain sa kanya, pagpapatawa sa kanya, at sa pagsusuporta sa kanya sa pagsubok na kanyang dinadaanan.

     Sa kabuoan, Ang aking kapatid ay isa sa mga tao na aking natulungan. Masaya ako kapag ako ay nakaka-alay ng tulong sa iba. Hindi lamang ako nakakatulong sa isang tao kundi na rin sa marami.

Salamat sa pagbabasa ng aking blog!
Hanggang sa susunod muli

Paalam👋



-Kylee

No comments:

Post a Comment