Wednesday, March 17, 2021

(Filipino) Ang life line ng buhay, pangarap ko sa aking buhay ko,

 

           Tayong lahat ay may bawat layunin sa buhay. Ang ating mga layunin at ang ating mga mithiin ay ang mga bagay na nagpapagalaw sa atin na matuloy mabuhay upang makamit ang mga ito. Makikita sa itaas ang aking lifeline. Ito ang mga bagay na gusto ko makamit sa aking buhay.

          Sa susunod na dalawang taon nakapagtapos na ako ng Senior High at magpapatuloy na ako sa kolehiyo. Pipili ako ng kurso na talagang aking kakayanin at kung saan man ako komportable. Ang mga kurso na aking gusto piliin ay ang pagiging Inhenyero (Civil Engineer and Electrical Engineering) , Accountancy, Arkitekto (Architecture), Pagiging Piloto at iba pa. Sa susunod na limang taon ay kung makapili man ako ng kurso na mabilis matapos magtatrabaho ako kaagad. Susubukan ko din pagtutunan ang Financial Literacy upang malaman ko kung paano humawak ng pera. Sa susunod na sampung taon kung meron na akong naipong pera magpapatayo o bibili ako ng sarili kong bahay at dito na ako titira upang maging ligtas ako mula sa mga bagay-bagay. Sa susunod na dalawampung taon kung kaya ko ay magpapatayo ako ng isang kumpanya, kahit maliit o malaki man ito gusto ko lang mag may-ari ng isa upang makatulong ako sa pag-unlad ng ekonomiya dito sa ating bansa. Panghuli, sa loob ng  dalawampu't limang taon gusto kong maging kilala ang kumpanya na aking nagawa sa buong mundo upang dumami ang mga gustong tumulong sa aking mithiin na paunlarin ang ating bansa mula sa pagiging mahirap.


         Sa pangkalahatan, ang mga layunin at mithiin natin sa buhay ay ang mga bagay na nagpapabuhay sa atin. Kung wala man tayong ganito walang magiging saysay ang ating buhay at mananatili tayong hindi mapakali at malungkot. Kahit pansamantala lamang ang aking nagawang chart tungkol sa aking lifeline, dahil pwede magbago ang ikot ng mundo sa atin. Pero mabuti na rin at meron talaga akong mga pangarap na gusto kong makamit. Dahil wala ako ngayon sa aking kinatatayuan kung hindi dahil sa aking mga mithiin at layunin. Kaya't huwag natin ipagkahiya ito dahil alam natin na ito ay tama at hinding hindi magiging mali.




No comments:

Post a Comment