Wednesday, April 7, 2021

(Filipino) Ang Misyon ko sa Buhay

              Ayon kay Johann Wolfgang von Goethe, "Every person above the ordinary has a certain mission that they are called to fulfill."  Pinapakita ng quote na ito sa atin ang katotohanan na ang lahat ng tao ay nabubuhay para gampanan ang isang misyon sa kanilang buhay. Bilang isang tao meron din akong mga bagay-bagay na gusto ko rin makamit dahil para sa akin yoon ang aking misyon sa buhay. Makikita nyo na may link sa baba patungo sa isa kong post. Ang laman ng link na iyon ay ang lifeline ko sa buhay o ang mga bagay-bagay na gusto kong makamit sa aking buhay o sa ibang salita (Ang aking mga misyon sa buhay). Paano ko nga ba makakamit ang mga mithiin ko sa aking buhay?



Link sa aking isang post: https://kyleeantonio05.blogspot.com/2021/03/filipino-ang-life-line-ng-buhay.html?m=1


      Makakamit ko ang aking misyon sa buhay sa paraan ng pagiging pursigido sa paggawa ng mga bagay na makakatulong sa aking na makamit ang aking mga misyon sa buhay, tulad na lang ng pag-aaral ng mabuti at pakikinig ng mga payo mula sa iba. Makikipagkilala din ako sa ibang tao upang mas madali maggawa ang mga bagay-bagay dahil ang ang pagtutulungan ay ginagawang madali ang trabaho. Pagtututunan ko at sasanayin ko ang aking sarili ng mga tamang pag-uugali kung paano hindi makasakit sa iba. Magtitipid ako ng pera at magiging maigi sa lahat ng aking mga gawat kilos. Magiging maparaan ako sa mga sitwasyon at mga bagay-bagay upang aking makamit ang positibong kalabasan ng mga pangyayari.


      Sa kabuoan, lahat ng tao sa mundo ay may mga misyon o mithiin sa buhay. Nalilito man tayo o hindi paman natin alam ang ating dapat gawin upang makamit ang mga ito. Kaya't habang matagal pa tayong tumanda, pag isipan o pagplanuhan na natin kung ano ang ating mga dapat at gustong gawin sa ating buhay. Tandaan na iisa lang ang buhay na ibinigay sa atin, dapat tayong mabuhay ng kontento at masaya!


Salamat sa pagbabasa ng aking blog! Hanggang sa sususnod muli na post 


Paalam! 👋