Friday, October 1, 2021

Ang Totoong kalayaan (Filipino)

   


    Ayon kay Moshe Dayan na, “Freedom is the oxygen of the soul”. Ang kalayaan ay isang bagay na importante sa atin lahat. Ito ay ang nag-iisang bagay na kailangan natin upang mabuhay ng matiwasay araw-araw. Ngayong mga panahon mas marami na ang tao na nagiging malaya na pumili para sa kanilang buhay, ngunit meron din iba na hindi at meron din iba na hindi randam kung totoo ba silang malaya. Kaya’t sasagutin ko ngayon kung “Ano nga ba ang totoong kalayaan at ano mararamdaman mo kung makakamit mo ito?”.


     Pag sinasabing totoong kalayaan ito ay ang uri ng kalayaan na totoong-totoo na nakikita at pati na rin nararamdaman. Ang totoong kalayaan ay isang bagay na bihira lang sa atin ang nakakakamit. Masasabi ko na ako ay hindi talagang totoong malaya dahil kung totoo akong malaya walang sanang haharang o titigil sa akin na sagabal pati na rin ang pagdududa upang makamit ko ang aking mga kagustuhan at mga kailangan. Ngunit naniniwala pa rin ako na mararanasan ko din ito dahil kasama ko ang aking mga mahal sa buhay at ang Diyos. Mawawala ang lahat ng mga sagabal dahil sa pagtitiwala ko sa Diyos at sa aking sarili.

     Sa Kabuoan ang kalayaan ay isang mahalagang bagay para sa atin lahat. Pero hirap natin makamit ang totoong kalayaan dahil iniintindi natin ang mga sagabal natin at ating mga pagkukulang. Tiwala lang sa sarili, sa iba, at sa Diyos ang ating kailangan upang makamit natin ang totoong kalayaan.

Links:

https://quotesbook.com/freedom-quotes/freedom-is-the-oxygen-of-the-soul-1831.html

https://www.businessdoctors.ie/product/freedom-webinar/

No comments:

Post a Comment