Tuesday, May 31, 2022

Open Letter on Human Rights (Filipino)

     Para kaninuman na may pakialam at may konsensya,


     Bilang mga tao tayo lahat ay gustong mabuhay ng mapayapa, malayo mula sa mga sakit at pang-aapi ng mundo. Natural lang na pumapasok ang mga problema sa ating mga buhay ngunit hindi maganda na pinapalago natin ang mga ito. 

     Maraming mga tao sa ating mundo ay nagdudusa dahil sa mga gawain natin na hindi natin pinag-iisipan kung makabubuti ba ito sa lahat. Ang dami ng tao ang sumisigaw na sana naman madinig ang kanilang boses. Hustisya at Respeto ang kanilang kailangan mula sa atin lahat. Isipin natin na sila ay mga tao at may karapatan sila sa lahat ng ating karapatan kahit na may kapansanan man sila, may ibang pagtanaw sa pagmamahal, o kahit ano pang rason na kung saan sila ay nakakakamit ng kasiyahan. Ang kasiyahan ang magiging daan upang tayo lahat ay mamuhay ng mapayapa. 

     Kung sa tingin mo ang dahas at sakit ang tiyak na paraan upang makamit mo ang iyong kagustuhan o mga kailangan, ikaw ay nagkakamali. Bilang mga tao hindi tayo nabubuhay para lamang sa sarili natin, tayo lahat ay ginawa ng Diyos upang tulungan ang isa't-isa na makamit ang kasiyahan ng ating buhay. Ang pagkakaintindihan at pagtatanggap ang kailangan natin sa panahon natin ngayon. Kahit na iiba't-iba man ating mga paniniwala, nakasanayan, at pinanggalingan, tayo pa rin ay tao. Ang buhay ay isang sagradong bagay kahit na bata ka man o matanda, iisa lang ang buhay natin. Mahalin natin ang isa't-isa at marunong tayong tumanggap at magkaintindihan upang tayo lahat ay mabubuhay ng matiwasay at mapayapa. 



Lubos na nagmamaka-awa at nagmamahal,
Kylee.

Tuesday, May 24, 2022

Teen Commandments (Filipino)

     Ito ang aking ginawang bersyon ng Teen Commandments.


Bigyang Kaliwanagan:

     Ang ibig sabihin ng unang utos na, "Huwag mong kaawaan ang iyong sarili" ay hindi ibig sabihin na pabayaan o hindi mahalin ang iyong sarili. Kundi wag kang mag "Self Pity". Dahil sa pagagawa mo nito patuloy kang nakakaisip ng mga negatibong kaisipan, at ikaw ay hindi mapapakali at magiging hindi komportable. Hihina ang iyong lakas ng kaisipan at hinay-hinay kang makakadama ng kawalan ng pag-asa.


Salamat sa pagbabasa


~Kylee




Open Letter on Human Rights (Filipino)

     Para kaninuman na may pakialam at may konsensya,      Bilang mga tao tayo lahat ay gustong mabuhay ng mapayapa, malayo mula sa mga saki...