Ayon sa collage na iyong nakikita, ito ang mga iba't-ibang bagay na ginagawa ng mga tao ngayon upang umunlad o ipaglaban ang kanilang mga buhay. Dahil sa pagdating ng virus (COVID-19) na siyang gumagala sa mundo, bumaba at kumonti na ang bilang ng mga tao na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga bahay dahil maraming mga negosyo ang bumagsak at nagsarado. Pero sa iyong nakikita sa itaas nagtatrabaho pa rin ang mga tao mula sa iba't-ibang paraan mula sa kanilang mga bahay, tulad na lamang ng online selling, gardening, baking, online teaching/learning, delivery, at iba pa. Kahit na nakikita natin na patuloy pa rin ang daloy ng ekonomiya, masasabi rin natin na unting-unti na talaga bumababa ang ekonomiya natin sa buong mundo. Kahit gusto paman nating magtrabaho at lumabas, kailangan pa rin nating mag ingat dahil wala pa namang solusyon ang krisis na ating hinaharap ngayon, kaya't mahihirapan tayo na mapanatili ang katatagan ng ating ekonomiya. Dahil sa mga indoor or virtual na paraan upang kumita ng pera hindi na magiging katulad dati ang ekonomiya.

No comments:
Post a Comment