Friday, March 26, 2021

(Filipino) Open Letter

 Note: This open letter is for school purposes only. 




Marso 26, 2021



Republika ng Pilipinas

Malacañang Complex

J.P. Laurel Street

San Miguel, Manila

1005


Kylee Christan Jed A. Antonio

Talisay City, Cebu

6045


Minamahal kong mga Pinuno,

           Magandang araw po sa inyo.

           Ako po ay isang batang mamamayang Pilipino at naparito po ako upang magbigay ng suhestiyon o payo na makakatulong po sa ating bansa. Dahil sa panahon ng pandemya ngayon, nahihirapang umunlad ang ekonomiya ng ating bansa at marami ng tao naghihirap dahil sa kakulangan ng trabaho. Dapat sana po tugunan ninyo ng pansin ang mga walang trabaho. Kung maari magbigay ng trabaho sa mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ang mga nanggagaling sa probinsiya na nandito lumipat sa iba't-ibang lungsod o siyudad, dapat sana ay pauwiin sila upang maka-iwas sa pagkalat ng sakit at magbibigay ng tulong pinansiyal at mga programa na tutulong sa kanilang buhay agrikultura. Ang mga tao naman na walang lupain, dapat magbigay sana ng programa sa kanila tulad ng livelihood training at magagamit nila ang kanilang kaalaman upang umunlad at mabuhay. 

       Dinggin niyo po sana ang salita ng taong bayan dahil baka meron po sa kanila makakabigay ng kanilang mga ideya na makakatulong sa bansa maliban sa akin. Alam ko po na mahirap ang inyong pinagdadaanan ngayon dahil sa pandemya. Pero kung mas marami ang magtutulungan mas madali tayong makakabangon mula sa ating paghihirap dahil sa pandemya. Kailangan lang natin ng maayos na komyunikasyon sa isa't-isa.

Maraming salamat po sa pagbabasa.



Lubos na gumagalang,

Kylee Christan Jed A. Antonio



     






No comments:

Post a Comment

Open Letter on Human Rights (Filipino)

     Para kaninuman na may pakialam at may konsensya,      Bilang mga tao tayo lahat ay gustong mabuhay ng mapayapa, malayo mula sa mga saki...