Wednesday, November 17, 2021

Pursuit to Happyness: Movie Analysis (Filipino)

Panimula

    Ang mababasa niyo ngayom sa aking blog ay tungkol sa pagsusuri sa isang pelikula na pinamagatang The Pursuit to Happyness. Ang pelikula na ito ay ipinalabas noong December 15, 2006 na dinirekta ni Gabriele Muccino. Ito ay tungkol sa totoong buhay ni Christopher Paul Gardner na ginampanan ni Will Smith. Ipinakita dito ang lahat ng dinaanan na paghihirap ni Chris bago siya naging matagumpay sa buhay. Ngayon ipapahayag ko ang nangyari sa pelikula.


Buod

     Si Chris Gardner ay isang masipag na ama. Ginagawa niya ang lahat upang kumita para sa kaniyang anak na si Christopher at sa asawa niyang labandera na si Sherry Dyson. Sa pag-usbong ng buhay sa New York City naisipan ng mag-asawa na bumili ng Bone Density Scanners gamit ang kanilang kinita dahil patok na patok ito noon. Sa paglipas ng panahon hindi na ito kinakailangan karamihan sa mga ospital. Kayat nilakasan lang ni Chris ang kaniyang loob at naghanap siya ng ibang paraan upang kumita.

     Tinuloy ni Chris ang pagbebenta ng kaniyang Bone Density Scanners hangang sa isang araw may tao siyang nakilala na bumaba sa kaniya sinasakyang pulang Ferrari. Tinanong niya ang lalake kung ano ang kaniyang trabaho, sumagot ang lalake na nagtatrabaho siya bilang isang broker. Nagsikap si Chris sa kaniyang internship bilang isang broker sa Dean Witters habang sabay-sabay dumating ang kaniyang mga problema sa buhay. Iniwan na siya ng kaniyang asawa at dinala niya ang kaniyang anak ngunit nagpilit sa Chris na manatili sa kaniya ang bata. Nawala at nanakaw pa mula sa kaniya ang kaniyang mga Bone Density Scanners na kung saan sila umaasa upang meron silang makain.

     Napaalis din sila mula sa kanilang apartment at siya din ay nakulong dahil sa hindi niya pagbayad ng kaniyang mga parking fees. Bumuti man ulit ang kalagayan nila Chris noong nagpursige na siya sa internship ngunit nagkabuhol-buhol ang lahat nang napansin niya na naubusan na siya ng pera sa banko. Napilitan silang tumira kung saan saan tulad  na lang sa kalye, sa banyo ng isang subway ng tren, at sa isang flophouse. Dahil matibay at matatag si Chris pinatuloy lang niya ang pagpupursige at sa huli ay naging isa din siyang ganap na broker sa kanilang kumpanya. Napatuwa si Chris sa saya dahil alam niya na hindi uunlad na din ang kanilang buhay at may kapalit ang lahat ng kaniyang pinagdaanan.


Pagsusuri

     Nagandahan ako sa kwento ng pelikulang ito. Nakakabibigay ito ng inspirasyon sa akin na kailangan kong magsikap kahit kalabanin man ako ng buong mundo upang makuha ang totoong kasiyahan. Pinapakita dito na hindi tumatakbo ang mundo sa iyong kagustuhan, kaya't dapat mong maging madiskarte at determinado upang maging maunlad at mapayapa ang ating buhay.


Konklusyon

     Kung gusto niyo makita kung gaano man kahirap ang buhay para sa ibang tao, dapat niyo itong panoorin. Mararamdaman mo ang saya, lungkot, at iba't-ibang emosyon sa pelikulang ito. Nakakabibigay ito ng inspirasyon kung maiintindihan mo ang kuwento at iyong isasabuhay ang mga aral na matututunan mo dito.



GABAY NA TANONG: 

1. Ano ang kahulugan ng tungkulin batay sa pelikula?

    Ang tungkulin natin ay ang pinaka importante na titulo. Ito ang nagbibigay sa atin ng direksyon at naglalarawan din ito kung ano talaga tayo. Ang pagiging ama ni Chris Gardner ay isang titulo na dapat ay tinataasan ng puri at respeto, dahil mahirap ang kaniyang pinagdadaanan para lang buhayin ang kaniyang pamilya.

2. Sa inyong palagay , maari bang gamiting batayan ang panghuhusga mabuti at masamang kilos batay sa tungkulin?

   Para sa akin oo dahil kung napalaki ka naman sa isang mabuting kapiligiran at kung mabuti rib ang iyong mga ginagawa para sa iyong kapwa edi mas kikilalanin ka ng mga tao at itatangkilik ka nila dahil isa mabuti ang iyong mga ginagawa. Kaysa kung masama man ang iyong ginawa, mawawalan ng respeto ang mga tao sa iyo at mahihirapan kang abutin at tuparin ang iyong tungkulin.

3. Bakit itinuturing na mataas na pagpapahalaga ang kabutihang gawi sa kapwa?

     Dahil ito ang nagpapakita o naglalarawan sa totoong kaugalian ng isang tao. Makikilala mo ng lubos ang isang tao kung kilala mo siya sa kaniyang mga gawi.

4. Anong salik ang nakakapaekto sa kilos na ama sa pelikula. 

     Ang salik na nakakaepekto sa kaniya ay ang kaniyang tungkulin at responsibildad bilang isang ama. Kung wala siyang ganitong tungkulin magiging iba o di kaya magulo ang kaniyang buhay dahil wala siyang direksyon sa buhay o wala siyang alam kung ano man ang gagawin niya sa kaniyang buhay.
















No comments:

Post a Comment