Karamihan ng binahagi namin ay tungkol sa mga bagay-bagay na aming pinagsisisihan. Lalo na ang mga bagay na talagang makakapanakit sa aming kapwa. Halo-halo ang aming mga reaksyon nong nalaman namin ang bagay-bagay tungkol sa isa't-isa. May natutuwa at meron din ibang nakakarandam sa sakit ng iba. Kahit nakakahiya man ibahagi sa isa't-isa ang aming mga sekreto, masasabi ko naman na nirerespeto namin ang kanilang mga ginawa at mga dapat na ginawa.
Sa pagbabahagi namin na ito napansin ko na kaya siguro kami nagkaroon ng ganito upang makita na pinagsisisihan talaga namin ang mga pagkakamali na aming nagawa dati. Mas natutunan ko na ang tao ay marunong talagang magbago at matuto mula sa kaniyang mga pagkamali. Tayong lahat ay nagbabago upang mas mapabuti natin ang ating buhay sa kasalukuyan at sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment