Wednesday, December 8, 2021

Kotemporaryong Issue sa Pilipinas (Tagalog)


   Sinabibni Mahatma Ghandi na, " Man created man to work for his food and said that those who ate without work were thieves". Ang tao ay ginawa talaga ng Diyos upang magtrabaho. Ngunit isa sa kasalukuyang isyu na nararamdaman sa buong mundo ngayon ang Kontrakwalisasyon ay nagiging balakid upang mapanatili ng tao ang kaniyang kinatatayuan sa kasalukuyan. Ano nga ba ito at bakit nga ba ito nagiging isang malaking isyu sa ating bansa?


     Ang Kontrakwalisasyon ay isang kontemporaryong isyu sa kasalukuyan dahil sa negatibong epekto nito sa buhay ng tao. Ang mga tao na tinatawag na Contract Workers ay nagtatrabaho lang ayon sa ilang araw, buwan, o taon na nakasulat sa mga kontrata na kung saan sila ay testigo at sang ayon. Nagsisimula ang problema sa parte kung kailan matatapos na ang kanilang kontrata. Dahil limitado lang ang panahon na binigay sa kanila upang magtrabaho, marami sa kanila ay naghihirap maghanap ng iba o bagong trabaho. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino na nakakatapos ng kontrata nila ay hindi na tinatanggap muli kung sila man ay mag-aaply muli. Hindi matatag ang kanilang pinagkukuhanan ng pera dahil limitado lang ang panahon na ibinigay sa kanila upang kitain ito. Kailangan ng tao ang kumain araw-araw hindi lang sa maliit na panahon, kaya't mahirap magtrabaho bilang isang Contract Worker. Swerte ang mga taong nakapili ng mga trabaho na pangmatagalan dahil sa kanilang angking galing sa mga bagay-bagay na wala sa ibang tao.

      Sa kabuoan ang Kontrakwalisasyon ay isang kontemporaryong isyu na na-aapektohan ang marami. Dapat sana ay magtulungan tayo upang maligtas natin ang isa't-isa mula sa kahirapan. Dahil hinding-hindi kakayanin ng tao na mag isa sa buhay.


MAARI NIYONG IPAHAYAG ANG IYONG MGA OPINYON O MGA KAISIPAN SA COMMENTS.

No comments:

Post a Comment

Open Letter on Human Rights (Filipino)

     Para kaninuman na may pakialam at may konsensya,      Bilang mga tao tayo lahat ay gustong mabuhay ng mapayapa, malayo mula sa mga saki...